kahit malayo ka'y malapit ka pa rin
dito sa aking puso't damdamin
ikaw lang s'yang iibigin
at habang buhay kong mamahalin
sa bawat oras ay alaala ka
pangalan mo't larawan aking nakikita
lagi akong umaasa
inaasam na muling makapiling ka
chorus
o aking mahal
ipagdarasal ko ang iyong pagbalik
na 'wag ng muling magkalayo at lumuha pa
labis ko nang hinihintay ang pagkakataon
na makasama kita sa lahat ng panahon
tamis ng alaala ang nakaraan
pagsasamang kay sarap na balikan
nais ko na iyong malaman
hinding hindi kita malilimutan
repeat chorus
|